Cabinet officials na mapaparatangan na sangkot sa korapsyon agad sisibakin ayon kay Pang. Duterte
Inamin ni Pangulong Duterte na walang due process sa mga opisyal ng gobyerno na masasangkot sa korapsyon.
Sinabi ng Pangulo na kahit paratang lang ang makakarating sa kanyang tanggapan laban sa opisyal ng gobyerno ay agad niya itong sisibakin.
Ayon sa Pangulo wala siyang pasensiya sa mga opisyal ng pamahalaan na nadadawit ang kanilang pangalan sa katiwalian.
Inihayag ng Pangulo na maging ang mga malalapit sa kanya na nasangkot ang pangalan sa korapsyon ay inalis na niya sa puwesto tulad nina dating NIA Administrator Peter Lavińa at DILG Secretary Mike Sueńo.
Binigyang diin ng Pangulo na marami pa siyang sisibakin na opisyal ng gobyerno na dawit sa katiwalian.
Iginiit ng Pangulo na kanyang tutuparin ang kanyang pangako sa bayan na magiging corruption free ang kanyang administrasyon.
Ulat ni: Vic Somintac