Cade Cunningham, pinangalanan bilang MVP

Cade Cunningham #2 of the Detroit Pistons holds up the 2022 Clorox Rising Stars MVP trophy after the 2022 Clorox Rising Stars at Rocket Mortgage Fieldhouse on February 18, 2022 in Cleveland, Ohio.
JASON MILLER / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / GETTY IMAGES VIA AFP

Si Cade Cunningham ang pinangalanang most valuable player (MVP) ng NBA All-Star Weekend’s Rising Stars, habang tinalo naman ng Team Barry ang Team Isaiah sa score na 25-20 sa pinale sa Cleveland.

Si Cunningham ng Detroit Pistons na No. 1 pick sa 2021 draft, ay umiskor ng five points sa final habang ang teammate niya at crowd favourite na si Evan Mobley ng Cleveland Cavaliers ay naka-islor din ng lima.

Sa ilalaim ng bagong format ng taunang contest, ang unang team na makagawa ng 35 points ang idedeklarang panalo.

Ayon kay Cunningham . . . “We were happy to pull it out. My goal coming in was to win. We had the team to do it, and we had to prove ourselves.”

Sa bagong format, may 28 game participants na hinati sa apat na team na maglalaro ng dalawang semi-finals na susundan ng final.

Ang apat na team ay iko-coach ng Hall of Famers na sina Rick Barry, Gary Payton, Isiah Thomas at James Worthy.

Ang NBA All-Star Game ay gaganapin sa Linggo (Lunes sa Maynila), kasama si LeBron James ng Los Angeles Lakers at Kevin Durant ng Brooklyn Nets, na tatayong captain ng dalawang team sa showcase event.

Sagot ni Barry nang tanungin kung paano niya pinili ang kaniyang winning Rising Stars team . . . “I tried to get diversification. I am proud of these guys. It is so good to see them play the way the game should be played. Everybody did their job. It is about team basketball.”

Si Jae’Sean Tate ng Houston Rockets ay nag-ambag din ng five points para sa Team Barry.

Pinangunahan naman ni Precious Achiuwa ng Toronto Raptors ang Team Isiah sa pamamagitan ng 12 points sa final.

Nakarating ang Team Isiah sa final round nang manalo sa score na 50-49 laban sa Team Worthy, sa free throws mula kay Desmond Bane ng Memphis Grizzlies.

Sa ikalawang semi-final, binasag ng Team Barry ang 48-48 tie sa winning points ni Tate.

Sa Linggo (Lunes), ang 37-anyos na si James ay maglalaro ng kaniyang 18th All-Star Game.

Ito na ang ikatlong All-Star Game na nilaro sa Cleveland, kasama ang 1981 at 1997.

Kabilang naman sa Saturday (Sunday) events ang isang skills challenge, three-point contest at slam dunk competition. 

Please follow and like us: