Cagayan Valley Medical Center, tumanggap ng ICU beds mula sa US military
Nag-donate ng ICU beds ang US Indo-Pacific Command sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City, Cagayan bilang tulong sa paglaban sa COVID-19.
Ayon sa US Embassy, nagkakahalaga ng mahigit Php83,000 ang ICU beds.
Ang mga kagamitan ay bahagi ng mas malaking donasyon ng US military na nagkakaloob ng ICU beds at essential protective equipment sa DOH para sa agarang distribusyon para suportahan ang mga medical facilities sa mga COVID high risk areas sa bansa.
Ang Cagayan Valley Medical Center na pangunahing pasilidad para sa severe COVID cases sa lugar ay naabot na ang full capacity.
Tiniyak ng US Embassy na makatatanggap ang ospital sa mga darating na buwan ng karagdagang ICU beds at protective equipment gaya ng disposable gloves, goggles, face shields, disinfectant spray at iba pang kagamitan para sa frontline workers.
Sinabi ng US Embassy na umaabot na sa Php1.38 billion ang naibigay na tulong ng Amerika sa Pilipinas sa laban sa COVID-19.
Moira Encina