CALABARZON muling nakapagtala ng mahigit 1,000 bagong kaso ng COVID-19
Higit sa 1,000 muli ang naidagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Ayon sa DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 1,191 ang naitalang bagong nahawahan ng virus sa rehiyon.
Gayunman, umaabot sa 1,451 ang naitalang bagong gumaling mula sa sakit kaya nasa halos 110,000 na ang recoveries sa Region IV-A.
Nasa 3,700 naman ang mga pumanaw na pasyente dahil sa COVID makaraang madagdagan ng 23.
Kaugnay nito, ang aktibong kaso sa rehiyon ay mahigit 23,500 kung saan ang Cavite ang may pinakamataas na bilang na 7,633.
Laging pinapaalala ng mga otoridad ang mahigpit na pagsunod sa health protocols at sa pagsuporta sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno para malabanan ang virus.
Moira Encina