CALABARZON nadagdagan ng mahigit 1,000 bagong kaso ng COVID-19
Umakyat na sa 13,027 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Ito ay makaraang makapagtala ng panibagong 1,235 kaso ng virus sa rehiyon nitong Agosto 5.
Batay pa sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, may bagong gumaling mula sa sakit na 499 kaya umabot na mahigit 194,000 ang recoveries sa Region IV- A.
Nakapagtala naman ng 26 bagong pumanaw na COVID patients sa rehiyon kaya nasa 6,400 na ang kabuuang namatay bunsod ng virus sa CALABARZON.
Sa kabuuan ay 213,547 ang kumpirmadong nahawahan ng COVID sa rehiyon mula noong nakaraang taon.
Ang Cavite ang may pinakamaraming aktibong kaso sa rehiyon na 5,558 at sumunod ang Laguna na 3,050.
Isinailalim sa ECQ ang Laguna hanggang Agosto 15.
Nasa MECQ naman ang Cavite, Rizal at Lucena habang GCQ with heightened restrictions ang Batangas at Quezon hanggang August 15.
Moira Encina