Calamba City LGU sinimulan na ang roll out ng Covid 19 Vaccination para sa mga nasa A2 and A3 Priority list sa lungsod
Sinimulan na ngayong araw ng Calamba City Gov’t ang pagbabakuna ng Sinovac sa mga senior citizen kasama na ang mga persons with comorbidity sa lungsod.
Ito ay matapos na payagan ng FDA ang mga nasa A2 Priority list na mabakunahan ng Covid-19 Vaccine.
Isasagawa ang pagbabkuna sa Cinema area ng isang mall dito sa Calamba City.
Kabilang sa mga barangay na naka schedule ngayon ng ay ang Brgy. Uno at Brgy. Real.
Target ng Calamba City Gov’t na makapagbakuna ng 300 indibidwal kada araw.
Ayon kay Calamba City Mayor Justin Chipeco, ito ay para makatiyak ang mga opisyal ng Calamba na nasusunod pa rin ang minimum health protocols sa bawat barangay habang nagbibigay ng proteksiyon sa mga mamamayan.
Hinihikayat din ng alkalde ang mga kabilang sa priority list na magpabakuna na para may panlaban sa nakamamatay na virus.
Sa mga nais namang magpabakuna ay sinabi ng alkalde na makipag-ugnayan ang mga residente sa mga barangay health workers upang maisama sa listahan ang kanilang mga pangalan para makatanggap ng bakuna.
Bukod rito, uumpisahan na rin bukas ang monitoring sa mga barangay para sa gagawing pamamahagi ng ayuda.