Calamba City Vice Mayor nagpaalala sa publiko sa mga maaring dumadapong sakit ngayong tag-init.
Nagpapaalala ang mga opisyal mula sa City Government ng Calamba na panatilihing ligtas ang mga sarili sa mga sakit ngayong summer season.
Ayon kay Vice Mayor Roseller “Ross” Rizal, sa panahon ngayon na umiiral sa bansa at sa laguna ang mainit at maalinsangang panahon ay nauuso din ang heat stroke at iba pang mga sakit na dumadapo sa tao ngayong tag-init, kung kaya naman mahalagang ingatan ang sarili sa pinsalang hatid ng mainit na panahon.
Ayon sa bise-alkalde, dapat ay palagian ang pag inom ng tubig, kailangan aniya ay may sapat na bentilasyon ang loob ng tahanan para manatiling presko ang katawan.
Dapat din aniya na manatili na lamang din sa kani kaniyang tahanan kung di rin lang naman importante o mahalaga ang lakad o pupuntahan dahil nariyan pa rin aniya ang banta ng Covid 19.
Kung hindi naman maiiwasang lumabas ng tahanan ay magsuot ng mga light colored na damit at magdala ng pananggalang sa int at huwag kaligtaang magsuot ng face mask at faceahield.
Pinaiiwasan din muna ang iba’t-ibang uri ng mga physical activities tung tanghali at hapon kung saan kasagsagan ng kainitan ng panahon.
Ipinapaalala din ng ng bise-alkalde na huwag kalimutan ang pagdalangin na maligtas sa mga kumakalat ngayong sakit sa ating paligid.