Calamity fund, sapat pa para tugunan ang pangangailangan sa pananalasa ng bagyong Rolly – Malakanyang
Tiniyak ng Malakanyang na mayroon pang pondo na magagamit ang pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan na sinalanta ng bagyong Rolly.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Secretary Wendel Avisado na ilabas ang natitirang calamity fund na nakapaloob sa 2020 national budget.
Ayon kay Roque handang tulungan ng national government ang mga lokal na pamahalaan na sinalanta ng kalamidad.
Inihayag ni Roque mayroon namang karapatan ang mga local government units na magdeklara ng state of calamity sa kanilang nasasakupan upang ma-realigned ang kanilang pondo bilang calamity fund.
Niliwanag ni Roque na tutulong din ang national government sa rehabilitasyon ng mga pinasalang iniwan ng bagyong Rolly.
Vic Somintac