Cambodia sinimulan nang magbakuna sa mga batang edad anim na taon
Bagama’t hindi pa inaaprubahan ng World Health Organization (WHO) ang pagbabakuna sa mga batang wala pang dose anyos, ay sinimulan na ng Cambodia na magbakuna sa mga batang anim na taon laban sa coronavirus.
Nagsimula ito sa mga apo ni Prime Minister Hun Sen at iba pang mga opisyal, kung tumanggap ang mga ito ng Sinovac sa harap ng mga reporter sa Phnom Penh.
Ayon kay Hun Sen . . . “It is necessary for us to do this because we have to step ahead. Cambodia has its duty to protect the lives of its people and has a duty to reopen economy, including education.”
Plano ng Cambodia na bigyan ang mga batang edad 6-12, ng dalawang shots ng Chinese-made vaccine, at isang third booster dose sa hinaharap.
Ang Sinovac ay inaprubahang gamitin para sa mga adult sa higit 50 mga bansa, subalit sa China ay pinahintulutan na rin itong gamitin sa mga bata.
Ngunit hindi sigurado ang health experts kung dapat na bang i-advise ang pagbabakuna sa mga bata.
Hinimok pa nga ng WHO ang mga bansa na huwag munang bakunahan ang mga batang wala pang dose anyos.
Ayon sa UN health agency . . . “More evidence is needed on the use of the different COVID-19 vaccines in children to be able to make general recommendations.”
Inilunsad nitong nakaraang linggo ang isang global study tungkol sa bisa ng Sinovac sa mga batang nasa pagitan ng edad 6 na buwan at 17 taon.
Ang pag-aaral ay kapapalooban ng 14,000 mga bata at teenagers mula sa South Africa, Chile, Kenya, Malaysia at Pilipinas.
Ayon sa health ministry, ang kanilang bansa ay umani ng papuri dahil sa mabilis ang kanilang vaccination programme, kung saan 98% ng adult population ang nabigyan na ng 1st dose.
Kasunod ng Singapore, ang Cambodia ang pumapangalawa sa bilis ng kanilang vaccination programme sa Timog Silangang Asya.