Cambodian PM Hun Sen, nagpositibo sa COVID-19 matapos mag-host sa ASEAN summit
Sinabi ni Cambodian Prime Minister Hun Sen, na nagpositibo siya sa COVID-19, matapos mag-host sa higit sa isang dosenang world leaders kabilang na si US President Joe Biden sa isang summit sa Phnom Penh.
Ayon sa Facebook post ng Asia’s longest-ruling leader, nakuha niya ang positive result pagdating sa Indonesia para sa isang G20 summit, ngunit wala siyang naranasang anumang sintomas.
Si Hun Sen ay hindi nakasuot ng mask sa kaniyang pagharap sa mga lider mula sa walong Southeast Asian countries maging sa Estados Unidos, China, Japan, Australia at Canada at sa Association of Southeast Asian Nations summit, na natapos na noong Linggo.
Aniya, “Beloved compatriots! Now I have tested positive for Covid-19. I had been tested every day including before flying to the G20 in Bali, and all the results had been negative. I am not sure when this virus came to me, but when I arrived, the Indonesians took a sample from me in the evening, and in the morning it confirmed Covid-19 positive.”
Ayon kay Hun Sen, mabuti na lamang at late na siyang dumating sa Bali kaya’t hindi na siya nakapaghapunan kasama ang iba pang mga lider.
Para naman sa kadahilanang pangkaligtasan, ang Cambodian delegation ay uuwi na ngayong Martes, ibig sabihin ay hindi na niya makakapulong pa si Chinese President Xi Jinping at French President Emmanuel Macron sa APEC summit sa Bangkok na gaganapin sa huling bahagi ng linggong ito.
© Agence France-Presse