Camel beauty pageant sa Al-Dhana, Saudi Arabia

Isang dosenang mga kamelyo ang na-disqualify sa Camel beauty contest ngayong taon dahil gumamit ng Botox ang kanilang mga handler para mas mapaganda ang mga ito.

Ayon sa Chief Judge ng pa-contest na si Fawzan Al-Madi, ang kamelyo ay simbolo ng Saudi Arabia at bagamat tanggap na nila ang mga pagbabago sa konserbatibong kaharian, nais pa rin nilang bigyang-diin ang traditional aspects ng kanilang kultura.

At para sa mga taga-Saudi, wala nang mas mahalaga pa kaysa isang kamelyo na ginagamit nila bilang pagkain, transportasyon, kasa-kasama o companion at bilang isa ring war machine sa loob ng marami nang siglo.

Kaya’t ipinagbawal nila ang pagsali ng mga kamelyong hindi natural ang ganda o mga isina-ilalim sa botox.

Kaya ngayong taon, mas pinaganda pa ng Saudi government ang buwanang event kung saan mula sa liblib na disyerto ay inilipat ito sa isang rocky desert plateau na magiging permanent venue na magho-host sa mga beauty contest para sa mga kamelyo.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *