Canada, dadagdagan ang kanilang oil exports para mapunan ang nawalang Russian energy supply
Inanunsiyo ng Canada na dadagdagan nito ang oil exports ng limang porsiyento para makatulong na mapunan ang kakapusan ng supply ng kanilang kaalyadong bansa kasunod ng ipinatupad na sanction sa Moscow.
Sinabi ni Canadian Resources Minister Jonathan Wilkinson na ipinaabot ng kanilang kaalyadong bansa ang paghingi ng tulong sa Canada para matulungan silang mapunan ang kakulangan ng oil and gas supply na dati nilang kinukuha sa Russia.
Dahil dito, tutulong aniya ang Ottawa sa kanilang International partners para masuportahan ang International energy markets.
Una rito, dumalo si Wilkinson sa isinagawang Ministerial meeting ng International Energy Agency (IEA) sa Paris.