Canada magpapadala ng military equipment sa Ukraine
Inanunsiyo ng Canada na magpapadala ito ng non-lethal protective military equipment gaya ng mga helmet sa Ukraine, nguni’t hindi magpapadala ng tropa laban sa Russian forces.
Sinabi ni Canadian Foreign Affairs Minister Melanie Joly, na kailangan ng Ukrainian troops ng bulletproof vests, helmets, gas masks at night vision equipment.
Ang kontribusyon ng Ottawa ay magkakahalaga ng 25 million Canadian dollars (17.6 million euros), ayon kay Joly, at binigyang-diin na natanggap niya ang request “direkta” mula kay Deputy Prime Minister Olha Stefanishyna ng Ukraine.
Iginiit naman ni Canadian Defence Minister Anita Anand na ang isang combat mission, ay hindi pa pinag-uusapan sa ngayon.
Noong Pebrero 14 ay inanunsiyo ng Canada, na sa unang pagkakataon ay magpapadala ito ng mga armas at amunisyon sa Ukraine, kasabay ng 500 million Canadian dollars na loan.