Canada makakaharap ng USA, Australia at China maglalaban sa women’s basketball World Cup semis
Gumawa ng 13 points, 14 rebounds, at pitong assists ang forward ng Connecticut Sun na si Alyssa Thomas, habang papalapit ang Estados Unidos sa kanilang 11th title makaraang makapasok sa women’s basketball World Cup semi-final laban sa Canada.
Makakaharap ng US ang Canada ngayong Biyernes, makaraang talunin ng world number four na Canada ang Puerto Rico sa score na 79-60, para tangkaing makuha ang unang ginto simula nang makuha nila ang bronze noong 1986.
Impresibo naman ang laro ng China na tumalo sa Olympic bronze medallists na France sa score na 85-71, para sa una nilang semi-final sa loob ng 28 taon at makakaharap ang 2018 finalists na Australia para makakuha ng puwesto sa gold medal match.
Dinomina ng Australia na siyang host nation, at isa sa dadalawang team bukod sa USA o sa dating Soviet Union na nagwagi sa World Cup, ang Belgium sa score na 86-69 kung saan naging mahalaga ang papel ng beteranang si Lauren Jackson.
Ang tagumpay ng US ay pang-10 sunod na nilang World Cup na walang talo bago ang huling apat, kasama si coach Cheryl Reeve.
Napakahusay ng naging laro ng China na nagtapos sa 4-1 sa group play, kung saan USA lamang ang tumalo sa kanila.
Hindi sila gumawa ng pagkakamali sa pagkakataong ito para makamit ang una nilang semi simula noong 1994, kung saan pinangunahan sila ng mga higanteng sina Han Xu at Li Yueru, at ng 23 points ng shooting guard na si Li Meng.
Ang Australia ay gumawa ng isang 13-point run para kunin ang 26-16 first quarter lead laban sa Belgium, at itatag ang 52-37 lead sa half-way.
Umiskor sila ng malaking 24-point advantage sa home run at ang panalo ay hindi nakapagdududa. Si Jackson ay nagtapos ng may 12 points habang si Cayla George naman ay 19 points.