Canada PM Trudeau malamang na i-anunsiyo ang kaniyang pagbibitiw

Canada's Prime Minister Justin Trudeau speaks at the Laurier Club holiday party in Gatineau, Quebec, Canada, December 16, 2024. REUTERS/Patrick Doyle/File Photo

Sinabi ng isang source na pamilyar sa isyu, na tumataas ang kalamangan na i-anunsiyo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang kaniyang intensiyong bumaba sa puwesto, bagama’t wala pa siyang pinal na desisyon.

Ang source na ayaw magpakilala dahil hindi siya awtorisadong magsalita sa publiko, ay nakipag-usap sa Reuters makaraang iulat ng Globe at Mail, na inaasahang i-aanunsiyo ni Trudeau ng mas maaga o maaaring ngayong Lunes na magbibitiw na siya bilang pinuno ng Liberal Party ng Canada makalipas ang siyam na taong panunungkulan.

Ang pag-alis ni Trudeau ay mag-iiwan sa partido na walang permanenteng pinuno, sa mga panahon na ipinapakita ng survey na ang Liberals ay malaki ang magiging talo laban sa opisyal na oposisyon na Conservatives sa isang halalan na dapat isagawa sa huling bahagi ng Oktubre.

Sinabi ng sources sa Globe at Mail na hindi nila alam kung kailan tiyak na i-aanunsiyo ni Trudeau ang plano niyang pag-alis, ngunit sinabing inaasahan nilang mangyayari ito bago ang isang emergency meeting ng Liberal legislators sa Miyerkoles.

Hindi naman agad tumugon ang tanggapan ng prime minister sa kahilingan na magkomento.

Hindi pa rin malinaw kung si Trudeau ay agad na aalis o mananatili bilang isang prime minister hanggang sa mapili ang isang bagong Liberal leader.

Si Trudeau ay naging lider ng Liberal noong 2013 nang ang partido ay may malaking problema at bumagsak sa ikatlong puwesto sa House of Commons sa unang pagkakataon.

Itinulak ni Trudeau ang mga Liberal sa kapangyarihan noong 2015 na nangangako ng “maliwanag na daan” at isang progresibong adyenda na nagsusulong ng mga karapatan ng kababaihan at isang pangakong labanan ang pagbabago ng klima.

Nagawa ng 53-anyos na si Trudeau, na patalsikin ang mga mambabatas na Liberal na nag-aalala tungkol sa mga survey at pagkawala ng “safe seats” sa dalawang espesyal na halalan.

Ngunit ang mga panawagan para sa kanyang pagbibitiw ay lumakas mula noong Disyembre, nang sinubukan ni Trudeau na i-demote ang Ministro ng Pananalapi na si Chrystia Freeland, isa sa kanyang pinakamalapit na kaalyado sa gabinete, pagkatapos nitong tanggihan ang mga panukala ng prime minister para sa karagdagang paggastos.

Kung siya ay magbibitiw, ito ay malamang na mag-udyok ng mga bagong panawagan para sa isang mabilis na halalan upang maglagay ng isang matatag na pamahalaan na kayang harapin ang administrasyon ni President-elect Donald Trump para sa susunod na apat na taon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *