Canadians na may short trips, hindi na required magpakita ng negative COVID-19 test result

Photo: net25.com

Simula sa katapusan ng Nobyembre ay hindi na kailangang magpakita ng negative COVID-19 test ang fully-vaccinated Canadians na may short trips, o hindi hihigit sa 72 oras ang ibiniyahe sa sandaling bumalik na sila sa Canada.

Ayon sa gobyerno ng Canada, ang test exemption ay para sa fully vaccinated Canadians at permanent residents na aalis at babalik sa Canada sa loob ng 72 oras.

Ang nasabing patakaran ay aplikable rin sa mga hindi pa bakunado na may right of entry kung sila ay wala pang doce anyos, at kasama ng kanilang mga magulang na fully vaccinated na, o kaya ay may specific medical conditions na sanhi para sila ay hindi mabakunahan.

Gayunman, ang mga Canadian na babalik mula sa mas mahabang trips at lahat ng foreign travellers na papasok sa Canada, ay kailangan pa ring magpakita ng negative molecular test na kinuha sa loob ng 72 oras mula sa kanilang departing flight o planong pagdating sa land border.

Sinabi naman ni Chief Public Health Officer Dr. Theresa Tam, na hindi i-e-extend ang test exemption sa mga Amerikanong biyahero na may short trips, dahil sa logistical reasons.

Aniya, kayang i-track ng Canada ang oras na inilagi ng mga Canadian sa abroad, ngunit hindi nila ito kayang gawin para sa mga Amerikano.

Subalit ayon sa gobyerno, rerepasuhin nila ang entry requirements para sa mga Amerikanong biyahero sa ibang araw. (AFP)

Please follow and like us: