Capas Tarlac RTC, naglabas ng Warrant of Arrest laban kay Alice Guo

Nagpalabas ng Warrant of Arrest ang branch 109 ng Capas Tarlac Regional trial court laban sa dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

Dahil yan sa kasong paglabag sa Graft and Corrupt Practices Act na isinampa sa kaniya ng Department of Interior and Local Goverment Secretary Benhur Abalos.

Kaugnay yan sa paggamit niya sa kaniyang posisyon noon bilang mayor.

Sa pagpapalabas ng Permit sa Baofu Land Development na nasa likod ng operasyon ng PoGo sa Tarlac.

Ayon kay PNP Public Information Office Police Colonel Jean Fajardo, nagtakda ang korte ng kabuuang 180 thousand pesos bilang piyansa sa kaso.

Dahil dito , pagdating sa bansa ni Guo ay sasailalim siya sa Booking procedure at medical exam ng PNP bago iturn over sa Senado.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *