Captain Nicanor Faeldon, nanumpa na bilang Deputy Administrator ng Office of Civil Defense
Pinayagan ng senado si Captain Nicanor Faeldon na makalabas ng kaniyang
detention cell para makapanumpa bilang deputy administrator ng office
of civil defense.
Sa larawan mula sa kaniyang legal team, si Defense Secretary delfin
Lorenzana ang nagpanumpa kay Faeldon.
Ayon kay Senate Sgt at Arms Retired General Jose Balajadia, pinayagan
si Faeldon ng chairman ng blue ribbon committee na makalabas ng
detention mula alas siete hanggang alas nueve y medya kaninang
madaling araw para magtungo sa Kampo Aguinaldo.
Noong biernes pinayagan rin na makalabas si Faeldon para mabisita
naman ang kaniyang nanganak na asawa sa isang ospital sa Taytay, Rizal.
Sa ngayon nakabalik na ito sa detention cell sa senado.
Maguguniyang Si Faeldon ay inilagay sa kostodiya ng senado dahil sa
pagtangging makipagtulungan sa imbestigasyon ng blue ribbon committee
sa pagkakapuslit ng 6.4 billion na halaga ng shabu sa Bureau of
Customs.
Ulat ni Meanne Corvera