Car pooling, inirekomenda ng ilang Senador sa MMDA sa halip na igiit ang implementasyon ng single-only ban sa Edsa
Inirekomenda ni Senador JV Ejercito sa Metro Manila Council na himukin na lang ang publiko na magpatupad ng Car Pooling sa Edsa sa halip na ipagbawal ang single driver cars.
Sa harap ito ng desisyon ng Metro Manila Mayors na magsagawa pa rin ng dry run sa high occupancy vehicle policy sa Edsa kapag rush hour.
Iginiit ni Ejercito na hindi uubra ang patakaran ng MMDA at Metro mayors dahil ang maapektuhan rin nito ay mga alternatibong ruta na maaaring daanan ng mga motorista kung hindi sila makakalusot sa Edsa.
Sen. Ejercito:
“I would reiterate my suggestion that instead of banning single driver cars along EDSA during rush hour, let us all encourage car pooling instead”.
Bukas naman si Senador Sonny Angara sa panukala ng MMDA.
Apila ni Angara, dapat munang subukan ang HOV policy ng MMDA dahil wala namang madali at mabilisanv solusyon sa matinding problema sa traffic.
Sabi ni Angara tiyak na magpapahirap ito sa ilang motorista pero dapat pa ring bigyan ng tyansa.
Sen. Angara:
“Angara on HOV dry run: Let’s observe how it works over the coming days. It will cause difficulty for the public but it may work. Certainly there are no quick and easy solutions to traffic”.
Ulat ni Meanne Corvera