Caribbean naka-alerto na sakaling maging isang ‘major hurricane’ ang Tropical Storm Beryl
Malaking bahagi ng southeast Caribbean ang naka-alerto na kaugnay ng ginawang pagtaya ng weather forecasters, na maaaring mabilis na lumakas sa susunod na 24-oras ng Tropical Storm Beryl, at maging unang Hurricane ng taon.
Sinabi ng US National Hurricane Center (NHC) na ang Beryl, na kasalukuyang nasa Atlantic Ocean may 785 milya (1260 kilometro) sa timog-silangan ng Barbados, ay posibleng maging isang “mapanganib na malakas na hurricane” sa sandaling makarating ito sa Windward Islands.
Ayon sa NHC nasa ilalim na ng hurricane watch ang Barbados, St Lucia, St Vincent at ang Grenadines and Grenada.
Ang isang major hurricane ay ikinukonsiderang isang Category 3 o mas mataas pa sa Saffir-Simpson scale, na ang taglay na hangin ay hindi bababa sa 111 miles per hour.
Sinabi ng mga eksperto, na ang isang malakas na bagyong namumuo ng ganito kaaga sa hurricane season na kalimitang nagsisimula sa unang bahagi ng Hunyo hanggang sa huling bahagi ng Nobyembre sa Estados Unidos, ay hindi karaniwan.
Ayon sa hurricane expert na si Michael Lowry, “Only 5 major (Category 3+) hurricanes have been recorded in the Atlantic before the first week of July. Beryl would be the sixth and earliest this far east in the tropical Atlantic.”
Sinabi ng NHC, na noong Sabado ng hapon ang TS Beryl ay mayroon nang maximum sustained winds na malapit na sa 65 mph (100 km/h) na may malakas na pagbugso, at ang tropical storm force winds ay umaabot ng 45 miles.
Dagdag pa ng NHC, “Hurricane conditions are possible in the hurricane watch areas Sunday night or Monday morning, with tropical storm conditions possible by late Sunday.’
Sa Saffir-Simpson wind scale, ang Category 1 hurricanes ay may wind speeds na hindi bababa sa 74 miles per hour, at ang Category 5 storms ay may hangin na 157 mph o higit pa.
Noong Mayo ay ipinahayag ng US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), na inaasahan nito na ngayong taon ay magkakaroon ng “extraordinary” hurricane season ng hanggang sa pitong bagyo na nasa Category 3 o mas mataas pa.
Binanggit ng ahensiya ang mainit-init na Atlantic ocean temperatures at mga kondisyong may kaugnayan sa La Nina weather phenomenon sa Pasipiko para sa inaasahang mas maraming mga bagyo.
Sa nakalipas na mga taon, naging mas madalas ang extreme weather events gaya ng hurricanes at higit ding naging mapaminsala bilang resulta ng climate change.