Carlos Alcaraz, naniniwalang kaya niyang manalo sa Wimbledom makaraang magwagi sa finals ng Queen’s Club
Naniniwala si Carlos Alcaraz na kaya niyang manalo sa Wimbledon, matapos mapagwagian ang una niyang titulo sa grass, nang talunin si Alex de Minaur sa score na 6-4, 6-4 sa final ng Queen’s Club.
Ang ika-limang title ng Spaniard sa season ay nagdala rin sa kaniya pabalik sa itaas ng world rankings, pero sinabi nito na si Novak Djokovic pa rin ang namamalaging paborito para manalo sa Wimbledon para sa ika-walo na niyang pagkakataon sa susunod na buwan.
Si Alcaraz ay naglaro sa grass para sa ikatlong torneo ng kaniyang career, kung saan nagpakita ito ng impresibong development sa buong linggo sa Queen, makaraang halos matalo sa French na si Arthur Rinderknech sa unang round.
Napagwagian ng US Open champion ang sumunod na apat niyang matches nang walang ibinabagsak na set at kumpiyansang aabot ng lampas sa fourth round sa Wimbledon para sa unang pagkakataon.
Sinabi ni Alcaraz, “I have quite a lot of confidence heading into Wimbledon. I ended the week playing at a high level, so right now I feel one of the favourites to win Wimbledon, but I have to get more experience on grass. Novak is the main favourite to win Wimbledon, but I will try to play at this level to have chances to beat him or make the final.”
Aniya, “I saw a statistic that Novak has won more matches at Wimbledon than the other top 20 players (combined). What can you say about that you know? Novak is the main favourite to win Wimbledon. That’s obvious. But I will try to play at this level, to have chances to beat him or make the final at Wimbledon.”
Pinagharian ni Djokovic ang SW19 mula pa noong 2018. Hindi na siya natalo sa Center Court sa loob ng 10 taon mula nang matalo kay Andy Murray sa final.
Subalit umaasa si Alcaraz na susuportahan siya ng crowd sakaling magharap na sila ni Djokovic.
Ayon kay Alcaraz, “I saw that Djokovic has never lost a match on Centre Court since 2013 when he lost against Andy so it’s ten years without losing a match on centre court, it’s crazy. But I hope to have the crowd behind me to change that stat.”
Samantala, tinalo ni De Minaur si Murray at ang world number six na si Holger Rune para makarating sa final.
Sinabi ni De Minaur, “I’m content because I know I left it all out there and I try to play the way that I want to play. So that’s a big positive for me coming into Wimbledon.”