Carlos Yulo, humakot na ng limang medalya sa 31st Hanoi SEA Games

Photo: www.facebook.com/OlympicPHI

Humabol muna ng 30-minutong idlip sa athletes’ area ng Quan Ngua Sports Palace si Carlos Edriel Yulo, bago ang high bar nitong Lunes, ang huling event sa men’s gymnastics kung saan nakuha niya ang panglimang gintong medalya.

Sa kabila nito ay tila humihingi pa ng paumanhin ang kaniyang tinig, nang sabihing sa susunod ay nais niyang mapanalunan ang lahat ng pitong medalyang ginto sa lahat ng events, matapos na silver lamang ang makuha sa dalawang iba pang events.

Aniya . . . “Hindi na nagkakasabay ang isip at katawan ko. Ang isip ko ay narito pa pero napapagod na ang katawan ko. Nakatulog pa nga ako kanina.”

Nakuha ni Yulo ang gintong medalya sa men’s vault at nag-tie kay Dinh Phuong Thanh para sa ginto matapos na kapwa sila nakakuha ng 13.876 mula sa judges. Aniya . . . “Akala ko, natalo ako ng Vietnam.’

Ngunit iginiit ng presidente ng Gymnastics Association of the Philippines na si Cynthia Carrion, na kahit na parehong maganda ang execution nina Yulo at Thanh, “ay mas mataas ang antas ng difficulty ni Caloy, at [hindi maganda] ang landing ng [Vietnamese].”

Ayon kay Yulo . . . “I don’t have to make any excuses, but I’m happy with what I achieved. Pero next time, I would like to win all the events. Dahil ano ang punto kung ayaw mong makuha ang lahat? Marahil ito ay parang kabaliwan o imposible sa ilang mga tao, ngunit gusto kong hamunin ang aking sarili.”

Photo: www.facebook.com/OlympicPHI

Samantala, kasama na rin si Chloe Isleta sa mga champion ng Team Philippines matapos manalo sa women’s 200-meter backstore nitong Lunes, para sa unang gintong medalya ng bansa sa swimming.

Makalipas naman ang 11 taon o mula noong 2011 SEA Games edition, ay muling nakuha ng bansa ang gintong medalya sa bowling matapos manalo ni Merwin Tan sa men’s singles event.


Photo: www.facebook.com/OlympicPHI

Ang 22-anyos na si Tan, na siyang pinakamalinaw na pag-asa ng bansa sa naturang sport, ay ginamit ang kanyang husay mula sa sinalihang World Series of Bowling noong Marso na bahagi ng US pro tour.

Please follow and like us: