Carlos Yulo, sinalubong ng banda at confetti sa Manila City Hall

Sinalubong ng banda at confetti ang 2024 Paris Olympic Double Gold Medalist na si Carlos Yulo, nang dumating ito sa Manila City Hall kung saan binigyan sya ng pagkilala.

Bukod sa 2 milyong pisong cash na insentibo ng Manila LGU, binigyan rin si Yulo ng kopya ng ordinansa ng City Council na nagdedeklara sa ika-4 ng Agosto ng bawat taon bilang Carlos Yulo Day.

Ang tseke at inaprubahang ordinansa ay personal na ibinigay nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo kay Yulo na residente ng lungsod.

Nilinaw naman ng Manila LGU na hindi ito karagdagang holiday kundi magkakaroon lang ng mga aktibidad para alalahanin ang malaking karangalan ni Yulo sa olympics.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *