Carlos Yulo, unang Filipino athlete na nanalo ng tatlong gintong medalya sa SEA Games sa Vietnam
Si Carlos Edriel Yulo ay nakasalampak sa likod ng isa sa nagkalat na monitor screens sa paligid ng Quan Ngua Sports Palace, at nagtatago sa audience habang hinihintay ang kaniyang pagkakataon sa rings event ng men’s gymnastics, subali’t nang dumating na ang oras para sa kaniyang performance ay talagang pinahanga niya ang lahat.
Muling namangha ang mga manonood sa ipinakita niyang perpekto at matatag na maltese—isang mahirap na pose sa rings na nagbibigay ng impresyon ng tila paglipad—sanhi upang makuha niYulo ang ikatlong gintong medalya nitong Linggo at patuloy na pinasigla ang kampanya ng Pilipinas sa Hanoi, sa ginaganap na 31st Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon kay Yulo . . . “Napakasaya ko. Gusto ko talagang makuha ang gintong medalya. Hindi ko inaasahang manalo pero nagpokus ako sa aking routine. Masaya akong nakuha ko siya.”
Namayani rin si Yulo sa floor exercise at nakuha ang ikalawa niyang gold medal, Linggo ng hapon makaraang makuha ang all-round crown noong Biyernes.
Muling tatangkain ni Yulo na makakuha ng dagdag na gintong medalya para sa bansa ngayong Lunes, sa kaniyang performance sa high bar, parallel bar at vault events.
Hanggang alas otso Linggo ng gabi, nasa No. 1 spot pa rin ang Vietnam sa medal standing, pumangalawa ang Thailand, Pangatlo ang Pilipinas, pang-apat ang Indonesia at pang-liman ang Malaysia.