Cashless tollway plaza inilunsad ng Metro Pacific Tollways Corporation
Inilunsad ng Metro Pacific Tollways Corporation ang kauna unahang digital tollways program na naglalayong ipakita sa publiko ang awareness sa makabagong teknolohiya ng electronic payment na magagamit na sa NLEX, CAVITEX and SCTEX.
Kabilang sa bagong teknolohiya ng e-payment system na ito ay ang Mastercard, contactless cards at beep cards.
Ayon sa pamunuan ng MPTC layon din nito na mapadali na ang pagbabayad ng mga motorista sa mga tollway plaza para maiwasan ang pagtatagal at paghaba ng pila sa mga tollway plaza.
Ayon kay Metro Pacific Tollways Chairman Manny V. Pangilinan, ang paggamit ng digital payment system ay makakatulong para mapaunlad ang teknolohiya sa mga tollway at sa mga expressway sa bansa para maranasan ng mga motorista ang mabilis, protektado at mas madaling electronic transaction.
Dagdag pa ng MPTC ang electronic tollways ay makakatulong a sa lumalagong bilang ng mga sasakyan na dumaraan sa mga expressway sa ating bansa.
Sa pamamagitan lamang ng pag-tap ng card katulad ng beepcard ay makakapagbayad na sa toll fee ng mabilis.
Ulat ni: Earlo Bringas