Cathay Pacific, nalugi ng $972 million sa unang 6 na buwan ng 2021
Iniulat ng Hong Kong carrier na Cathay Pacific, na nalugi sila ng $972 million sa unang anim na buwan ng 2021.
Bagama’t mas mababa ito kumpara sa naging lugi ng 2020, hindi pa rin malinaw ang magiging hinaharap ng airline dahil sa patuloy na pag-iral ng pandemya.
Ang kompanya ay nalugi ng $2.8 billion noong nakalipas na taon, na sanhi upang magbawas ito ng mga empleyado, magpatupad ng early retirements at ipasara ang kanilang overseas pilot crew bases sa limang bansa.
Ayon kay Cathay Pacific Chairman Patrick Healy . . . “COVID -19 will continue to have a severe impact on our business until borders progressively open and travel constraints are lifted. 2021 continues to be the toughest period in the airline’s 70 years history, but the progress of global vaccination drives provided some encouragement for the industry.”
Sa kalipunan ng pangunahing airlines sa buong mundo, isa ang Cathay Pacific sa pinakamatinding naapektuhan ng pandemya.
Umabot lamang sa 157 libo ang naging pasahero ng airline sa unang anim na buwan ngayong taon, 96 na porsiyentong kakaunti kaysa kaparehong peryodo noong 2020.
Sinabi ni Healy, na umaasa ang kompanya na pagdating ng 4th quarter ng 2021, ay makapag-ooperate na sila ng nasa 30% ng kanilang pre-pandemic passenger capacity.
Agence France-Presse