Cavite, hindi gaanong napuruhan ng Typhoon Rolly- Cong. Boying Remulla
Bagamat isinailalim sa State of Calamity ang Cavite province, nagpapasalamat pa rin si Cavite 7th District Representative Crispin “Boying” Remulla na hindi gaanong napuruhan ang kanilang lalawigan.
Sa panayam ng Radyo Agila kay Remulla, sinabi nitong maganda at maagap ang naging paghahanda nila sa paglilikas sa mga residenteng naninirahan sa mga high-risk areas.
Naihanda rin aniya nila ng maaga ang mga kagamitan para sa mga evacuees sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat opisyal ng Barangay, bayan at ng buong lalawigan.
Sa ngayon, may mga lugar at kalye na hindi pa madaaanan dahil sa mga nagtunbahang puno at mga billboards.
“Hindi kasi sumasabay ang pag-ihip ng malakas na hangin sa ulan kaya nagpapasalamat tayo kaya hindi gaanong napuruhan ang ating lalawigan bagamat maraming puno ang natumba at mga pananim ang nasira”.– Cong. Boying Remulla