Cavite Province isinailalim sa State of Calamity matapos manalasa ang Bagyong Ulysses

Isinailalim sa State of Calamity ang buong Cavite Province dahil sa pananalasa ng bagyong ulysses sa lalawigan. 


Ito ang napagkasunduan ng mga opisyal mula sa Sangguniang panlalawigan at batay na rin sa rekomendasyon ng mga local government unit chief executives. 


Sa inilabas na resolution no. 1628-2020, magagamit ng Cavite province ang calamity fund nito na nagkakahalagang walong milyong piso (8,000,000.00).


Ang naturang calamity fund ay gagamitin ng lalawigan para sa mga naapektuhan ng kalamidad na dala ng bagyo lalo na ng pagbili ng mga pagkain at sa distribusyon ng relief goods sa mga munisipalidad na sakop ng Cavite Province.

Jet Hilario

Please follow and like us: