Cayman Islands inuulan dahil sa Hurricane Rafael
Dumaraan ngayon sa Cayman Islands ang Hurricane Rafael at inaashang mabilis pa itong lalakas bago maglandfall sa kanlurang Cuba.
Ayon sa U.S. National Hurricane Center (NHC), taglay ni Rafael ang maximum sustained winds na 80 mph (130 kph), makaraang lumampas sa kanlurang Jamaica bandang tanghali. Ang bagyo ay nasa 60 miles (95 km) silangan, hilagang-silangan ng Grand Cayman.
Ayon sa mga awtoridad, in-activate na nila ang apat na emergency shelters. Wala pa namang napaulat na namatay o nasaktan sa gitna ng pagbagsak ng malalakas na mga pag-ulan sa isla.
People relocate furniture from a restaurant prior to the arrival of Tropical Storm Rafael in Havana, Cuba, November 5, 2024. REUTERS/Alexandre Meneghini
Ayon sa pahayag ng gobyerno, “As Rafael chugged toward the Cayman Islands, the British territory was setting up its own preparations and bracing for damages to infrastructure, power lines and water systems.”
Sinabi naman ni Premier Juliana O’Connor-Connolly, na ang mga paaralan ay mananatiling sarado hanggang ngayong Miyerkoles.
Si Rafael ay maaaring saglit na humina habang nasa Cuba ngunit inaasahang paglabas nito sa southeastern Gulf Of Mexico ay isa an itong hurricane.
Sa ulat naman ng state media outlet na Granma, minadali ng mga opisyal na kolektahin ang mga basura at linisin ang mga drainage, partikular sa Havana, kapitolyo ng bansa sa western end ng isla.
Matatandaan na nag-collapse ang energy grid ng Cuba noong isang buwan, at naging pahirapan ang recovery nang dumaan ang Hurricane Oscar. Ang isa pang bagyo ay lalo pang magpapahirap sa mga pagsisikap na maibalik na ang serbisyo ng kuryente.
People load a truck with goods to be relocated prior to the arrival of Tropical Storm Rafael in Guanimar, Cuba, November 5, 2024. REUTERS/Norlys Perez
Pagkatapos dumaan sa Cuba, ang sama ng panahon ay maaaring dumaan din sa Florida Keys batay sa pagtaya ng NHC.
Samantala, nagsimula nang magsara ang oil and gas producers sa U.S. Gulf of Mexico, at pinaalis ang kanilang mga trabahador sa platforms bago pa dumating si Rafael.
Dahil dito, ang produksiyon ay maaaring mabawasan ng nasa pagitan ng 3.1 million at 4.9 million barrels ng langis, at 4.56 billion hanggang 6.39 billion cubic feet ng natural gas, batay sa prediksiyon ng mga researcher.