Ceasefire agreement sa pagitan ng Israel at Hamas malugod ding tinanggap ng Pilipinas
Malugod ding tinanggap ng Pilipinas ang kasunduan ng tigil-putukan, sa pagitan ng Israel at Hamas.
Sa isang maikling pahayag, kinilala rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsisikap ng ilang mga bansa, kabilang na ang Egypt at Estados Unidos, na mapadali ang kasunduan.
Ang tigil-putukan ay inanunsyo noong Huwebes at nagkabisa nitong Biyernes.
Nangyari ito makaraang mapatay ang higit 200 katao, sa mga pag-atake mula sa magkabilang panig na tumagal ng 11 araw.
Ang tigil-putukan ay napagkasunduan, makaraang umigting ang panawagan ng international community na itigil na ang pagdanak ng dugo.
Liza Flores
(Ulat mula sa Agence France-Presse)