Celine Dion, nagbigay ng health update sa isang panayam
Sa una niyang interview mula nang i-anunsiyo ang tungkol sa kaniyang hindi pangkaraniwang neurological disorder, ay sinabi ng Canadian pop megastar na si Celine Dion na maayos naman ang kaniyang lagay, “but I’m taking life one day at a time.”
Noong December 2022 nang unang ibunyag ng 56-anyos na si Dion, na siya ay na-diagnose na mayroong Stiff Person Syndrome na nagiging sanhi ng paninigas ng mga kalamnan sa katawan, braso at mga binti, at ang mga ingay o emosyunal na pagkabalisa ay kilalang nagti-trigger ng spasms.
Bilang cover star ng May edition ng Vogue France, sinabi niya sa magazine, “I am well but my condition requires a lot of work. Five days a week I undergo athletic, physical and vocal therapy. I haven’t beat the disease, as it’s still within me and always will be. I hope that we’ll find a miracle, a way to cure it with scientific research, but for now I have to learn to live with it.”
Walang lunas para sa Stiff Person Syndrome, na isang progressive illness, ngunit makatutulong ang gamutan sa pagkontrol sa mga sintomas. Ayon sa US National Institutes of Health, ito ay dumarapo ng dalawang beses na higit sa mga babae kaysa mga lalaki.
Noong May 2023, napilitan si Dion na kanselahin ang kaniyang mga show na nakatakda para sa 2023 at 2024, sa pagsasabing hindi siya ganon kalakas para ituloy ang tour.
Nang tanungin tungkol sa kaniyang abilidad na bumalik sa stage, sinabi ni Dion sa Vogue France, “I can’t answer that right now. I don’t know… My body will tell me.”
Si Dion ay sorpresang lumabas sa Grammy Awards noong February, dahil siya ang nagbigay ng Album of the Year award kay Taylor Swift.
Noong Enero, inanunsiyo ng singer na gagawa siya ng isang feature-length documentary, na mapapanood sa Amazon Prime Video, tungkol sa kaniyang kondisyon para makatulong na mapalawak pa ang kaalaman ng publiko tungkol dito.
Si Dion ay nakapagbenta ng mahigit sa 250 milyong albums sa loob ng kaniyang decades-long career.
Ang “Courage World Tour” ng Quebec-born singer ay nagsimula noong 2019, at nagpatuloy sa loob ng tatlong taon bago namatay ang kaniyang longtime manager at asawang si Rene Angelil, sa edad na 73.
Nakumpleto din niya ang 52 shows bago pumutok ang Covid-19 pandemic, na sanhi upang ipagpaliban ang iba pa.