Celine Pialago,nagbitiw na bilang LTFRB Spokesperson

Nagbitiw na si LTFRB Spokesperson Celine Pialago at magiging epektibo ito sa katapusan ng buwan.

Nakasaad sa resignation letter ni Pialago, na hindi naging madali ang kaniyang pag-alis sa LTFRB pero kinakailangan niyang ituloy ang mga bagong hamon sa kaniyang career.

Hindi naman idinetalye ni Pialago kung ano ang mga pinaplano niyang gawin matapos ang trabaho sa LTFRB.

Samantala ikinalungkot naman ng mga kawani ng LTFRB ang kaniyang pagbibitiw pero inihayag ng mga ito na iginagalang nila ang desisyon ni Pialago.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *