Celtics dinaig ng Pacers sa kabila ng tinamong injury ni Haliburton
Napabagsak ng Indiana Pacers ang Boston Celtics sa score na 133-131, sa kabila ng tinamong injury ng star point guard na si Tyrese Haliburton.
Si Haliburton, na isa sa pinakamagaling sa liga, ay dinala palabas sa court ng kaniyang teammates makaraan ang masakit na pagbagsak nang malapit nang matapos ang second quarter, sa Gainbridge Fieldhouse Arena sa Indiana.
Napangiwi sa sakit ang 23-anyos nang tangkain niyang umiba ng direksiyon habang patungo sa basket.
Kalaunan ay sinabi ng Pacers, na si Haliburton na hindi na nakabalik sa paglalaro, ay dumanas ng left hamstring strain.
Dahil wala na si Haliburton, sinalo ni Bennedict Mathurin ang aksyon sa pamamagitan ng 26 na puntos upang pangunahan ang second-half fightback matapos na mapag-iwanan ang Indiana sa score na 68-59 sa break.
Sinabi ni Mathurin, “We lost the best player on the team, so my role was to step up and help the team win the game.”
Dagdag pa ng Canadian, “Ty (Haliburton) was down but it felt like the team pretty much knew what to do. Everyone had to step up. If your name gets called, be ready to play. We have a lot of depth on this team. We have a lot of players who can play and perform and have an impact on the game. It was a great win for us.”
Tyrese Haliburton #0 of the Indiana Pacers attempts a shot while being guarded by Derrick White #9 of the Boston Celtics in the second quarter at Gainbridge Fieldhouse on January 06, 2024 in Indianapolis, Indiana. Dylan Buell/Getty Images/AFP (Photo by Dylan Buell / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)
Sa panig ng Boston, ang scoring ay pinangunahan ni Jaylen Brown na may 40 points, habang si Jrue Holiday ay nagtapos na may 21 points at si Kristaps Porzingis ay may 19 points.
Namamalaging nangunguna ang Boston sa Eastern Conference na may standings na 28-8, habang nag-improve naman sa 21-15 ang standings ng fifth-placed na Indiana.
Pinuri ng Pacers coach na si Rick Carlisle ang naging tugon ng team sa injury ni Haliburton’s injury, at sinabing sasailalim ang basketbolista sa isang MRI.
Ayon kay Carlisle, “Really amazing effort from our team. Lot of emotions in this game. We hope it isn’t serious. He’s getting an MRI.”