Celtics nakabawi nang manalo laban sa Nets
Umiskor ng 28 puntos si Jaylen Brown at nagdagdag din ng 23 puntos si Jayson Tatum sa 121-107 panalo ng Boston Celtics kontra Brooklyn Nets.
Matapos ang back-to-back defeats, bumalikwas nang malakas ang Celtics, at lumamang ng hanggang 17 sa first half pa lamang kung saan nakapagtala sila ng 12 three-pointers.
Masaya si Tatum na nakabalik sila sa winning mood.
Aniya, “It’s a long season. You want to win all of them but, you know, that’s unlikely. It’s just about how you respond and you regroup. And I think we did that in a big way tonight.”
Dagdag pa nito, “That was more important, than getting off on the right foot in the new Cup-style tournament that will see eight teams advance from group play to knockout rounds, all culminating with a title match on December 9 in Las Vegas.”
Lahat ng laro sa torneo, maliban sa final, ay mabibilang sa regular-season standings.
Sinabi pa ni Tatum, “Yeah, it would be nice to win (the in-season tournament), but more importantly it was just good to get back in the winning column. We lost two in a row, so it was important to come back home and get a win.”
Samantala, sa iba pang laro ay nakaiskor naman si Joel Embiid ng 33 puntos at si Tyrese Maxey ay gumawa rin ng 29 puntos para pangunahan ang pagbabalik ng Philadelphia 76ers mula sa isang 16-point deficit at magwagi sa score na 114-106 laban sa Detroit Pistons.
Ang NBA Most Valuable Player na si Embiid ay nagdagdag din ng 16 rebounds para sa Sixers, na nagsimulang mabagal hanggang sa makuha ang ika-pito nilang straight game at ibigay sa Pistons ang ika-pitong sunod nilang pagkatalo.
Nagbigay din ng 24 na puntos ang dating Piston na si Tobias Harris at si De’Anthony Melton naman ay 10 para sa Philadelphia.
Lumamang ang Detroit ng 16 sa kalagitnaan hanggang sa second quarter, pero nanaig ang Philadelphia sa halftime.