Celtics umangat, Suns sinunog ang Sixers
Umangat na sa unahan ang Boston sa Eastern Conference, habang sinunog naman ng Phoenix ang Philadelphia sa isang posibleng NBA Finals preview, habang pinigil naman ng Charlotte Hornets ang home season debut ni Kyrie Irving.
Umiskor si Jayson Tatum ng 34 points at nag-ambag naman si Jaylen Brown ng 31 points at 10 rebounds, para painitin ang Boston Celtics patungo sa ika-anim nilang panalo, 134-112 kontra Minnesota.
Nakopo ng Celtics ang karamihan sa kanilang mga puntos sa isang half all season para sunggaban ang isang 72-49 half-time lead at mag-improve pa sa 47-28, katumbas ng Miami para sa best record sa Eastern Conference.
Ayon kay Brown . . . “Seeding matters. We definitely want to take advantage of that. But at the same time, we’re going to have to play who we’re going to have to play. The East is going to be a dogfight so we’re not running from nobody.”
Aniya . . . “Boston’s roster healing from a season of injury setbacks for the late-season charge. We done got healthy. I missed about 15 games. My hamstring was bothering me a lot. I feel a little bit healthier. Our guys feel a little bit healthier. We’ve just got our feet under us a little more and now we’re here.”
Narating ng Philadelphia ang tuktok ng East pero natalo sa Western Conference leader Phoenix, 114-104 na nag-improve pa ang record sa 61-14 dahil sa walong sunod na panalo.
Ang NBA Most Valuable Player candidates ng dalawang team ay kapwa nag-effort kung saan si Devin Booker ng Phoenix ay umiskor ng 35 points, habang si Chris Paul ay nagdagdag ng 19 points at 14 assists at si Deandre Ayton ay nag-ambag din ng 14 points at 12 rebounds.
Si Joel Embiid ng Philadelphia ay gumawa ng 37 points at 15 rebounds, habang si Tyrese Maxey ay may 18 points at si Tobias Harris ay may 17.
Subali’t 14 points lamang ang iskor ni James Harden sa 2-of-11 shooting, kung saan 2-of-5 lamang ang nagawa nito mula sa 3-point range.
Sa Brooklyn, nakapaglaro ang hindi pa nababakunahang si Kyrie Irving sa una niyang home game ng season, salamat sa pagbabago sa New York City Covid-19 safety rules na unang nagbawal sa kaniya na maglaro.
Subali’t pinigil ng Charlotte ang kaniyang debut nang manalo sila sa score na 119-110.
Pinangunahan ni LaMelo Ball ang Hornets sa pamamagitan ng kanyang 33 points, nine assists at seven rebounds.
Si Kevin Durant naman ang nanguna sa Nets sa kaniyang 27 points, eight rebounds at seven assists, habang nagdagdag din si Andre Drummond ng 20 points at 17 rebounds para sa Brooklyn.
Nag-ambag naman si Irving ng 16 points sa 6-of-22 shooting at nag-contribute ng 11 assists.