Central US, hinampas ng maraming buhawi
Hindi bababa sa tatlo katao ang nasugatan, nang manalasa sa central US ang dose-dosenang mga buhawi na nagpatumba sa mga linya ng kuryente at sumira ng mga bahay.
Mahigit sa 70 tornadoes ang naitala ng National Weather Service (NWS) sa magkabilang panig ng bansa, na ang karamihan ay sa paligid ng Omaha, isang transportation hub sa Nebraska.
Sa mga larawang ipinost ng storm chasers sa social networks, makikita ang napakalawak na buhawi na nagpabaligtad sa mga maraanan nito at nagpaalimbukay ng mga alikabok.
Sa Omaha suburb ng Elkhorn, winasak ng mga buhawi ang maraming mga bahay, tinuklap ang mga bubungan at nakalbo ang mga dahon ng mga puno.
Nakasaad sa social media post ng Omaha police, “Emergency personnel continue to check damaged houses and assist any injured citizens.”
Sa bahaging timugan, malapit sa estado ng Nebraska state capital ng Lincoln, ay isang buhawi ang tumama sa isang industrial shed.
Ayon sa Lancaster County authorities, “The 70 or so people inside when the roof collapsed were evacuated, but three suffered non-life-threatening injuries.”
Dagdag pa ng opisyal, “To the northeast of Lincoln, near Waverly, powerful storm winds toppled a train from its tracks.”
Sinabi naman ng tracking site na Poweroutage,com, na nasa 11,000 mga bahay ang nawalan ng kuryente sa Nebraska.
Ang NWS, na nagpalabas ng maraming ‘urgent tornado warnings’ sa ilang central US states ay nagbabala na magpapatuloy hanggang ngayong Sabado ang malalakas na tornadoes, na maaaring umabot hanggang sa Texas.
Ang mga buhawi, isang weather phenomena na kapwa kahanga-hanga at mahirap tayahin, ay karaniwan sa Estados Unidos, laluna sa gitna at timugang bahagi ng bansa.