Ceremonial vaccination sa A4 priority group, isinasagawa sa isang mall sa Pasay city
Pinangunahan ng mga opisyal ng Inter-Agency Task Force na kinabibilangan nina Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Health Secretary Francisco Duque III at Testing Czar Secretsry Vince Dizon ang ceremonial vaccination kontra COVID-19 sa A4 priority group.
Ginanap ang ceremonial vaccination sa Mall Of Asia sa Pasay City.
Kabilang sa A4 priority list ang mga economic frontliner na kinabibilangan ng mga manggagawa sa pribado at gobyerno at mga kagawad ng media.
Halimbawa ng mga economic frontline workers ay ang mga nasa commuter transport, wet and dry markets, food service, education, specific government agencies, at mga overseas workers.
Sinimulan na ang pagbabakuna sa mga economic frontliner dahil kinakailangan nang buksan ang pagnenegosyo para mabuhay muli ang ekonomiya na una nang nalugmok dahil sa Pandemya ng COVID 19.
Sinabi ni Roque na tinatayang nasa 35.5 milyon ang nasa A4 priority list.
Nagbigay din ng mensahe si Pangulong Duterte sa ceremonial vaccination at hinikayat ng Presidente na samantalahin ang pagpapabakuna para tuluyan nang maresolba ang problemang idinudulot ng Pandemya.
Vic Somintac