Chacha, isinama na sa priority agenda ng Senado sa pagbabalik ng sesyon sa Lunes

Isinama na ng senado sa mga priority agenda sa pagbubukas ng sesyon sa
lunes ang kontrobersyal na charter change o pag-amyenda sa saligang
batas.

Tatlong panukala ang nakapending ngayon sa senado na humihiling na
amyendahan ang saligang batas na inihain nina Senate Minority leader
Franklin Drilon, senador Richard Gordon at Juan Miguel Zubiri

Ang tatlong resolusyon ay nakatakda nang talakyin sa pagdinig ng
senado sa Mierkules.

Bukod pa ito sa resolusyon na planong ihain nina Senador Panfilo
Lacson at Senate President Aquilino Pimentel.

Batay sa inilabas na schedule ng senado, kasama rin sa mga priority
ang isinusulong na Bangsamoro Basic Law, Anti Terrorism law at
National ID system.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *