‘Chariots of Fire’ at ‘Blade Runner’ composer na si Vangelis, pumanaw na
Inihayag ng prime minister ng Greece, na namatay na sa edad na 79 ang kompositor ng “Blade Runner” at “Chariots of Fire” na si Vangelis, ang Oscar-winning electronic music pioneer na ang natatanging istilong musikal ang nagtakda ng isang henerayson ng mga soundtrack ng pelikula.
Ayon sa ilang Greek media outlets, si Vangelis ay namatay sanhi ng coronavirus sa France kung saan siya naninirahan paminsan-minsan, bukod pa sa mga tirahan din niya sa London at Athens.
Ayon sa tweet ni Greek Prime Minister Kyriakos Mitsotakis . . . “Vangelis Papathanassiou is no longer with us. The world of music has lost the international (artist) Vangelis.”
Sinabi naman ng abogado ni Vangelis . . . “It is with great sadness that we announce that the great Greek Vangelis Papathanassiou passed away late on the night of Tuesday, May 17.”
Ang “Chariots of Fire” theme ni Vangelis noong 1982 ay nagwagi ng Academy Award para sa best original score, kung saan tinalo niya ang theme ni John Williams para sa Indiana Jones film.
Nakarating ito sa US billboard chart at matagal na naging hit sa Britain, at ginamit pa ito sa London 2012 Olympics medal presentation ceremonies.
Ang mahilig mapag-isang keyboard wizard ay isang experimenter, kung saan mula sa psychedelic rock at synth ay lumipast siya sa ethnic music at jazz. Malaking bahagi ng kaniyang talento ay bunga ng sariling pag-aaral.
Sa higit limang dekada niyang career, kumuha siya ng inspirasyon mula sa space exploration, wildlife, futuristic architecture, New Testament at sa 1968 French student riots.
Kabilang sa higit isang dosenang soundtracks na likha ni Vangelis ay ang “Missing” ng Costa-Gavras, “Antarctica,” “The Bounty,” “1492: Conquest of Paradise,” “Bitter Moon” ni Roman Polanski at ang Oliver Stone epic na “Alexander”.
Sumulat din siya ng musika para sa teatro at ballet, maging ang anthem para sa 2002 FIFA World Cup.