‘Chedeng’ isa nang severe tropical storm, walang direktang epekto sa bansa – PAGASA
Bagama’t isa nang severe tropical storm, wala pa ring direktang epekto sa bansa ang bagyong ‘Chedeng’ (may international name na Guchol).
Sa latest bulletin ng state weather bureau PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,090 km sa silangan ng Central Luzon at kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour (kph).
Taglay ni ‘Chedeng’ ang lakas ng hangin hanggang 95 kph malapit sa gitna at bugso na aabot sa 115 kph.
Sa forecast, patuloy na mananatiling malayo sa kalupaan si ‘Chedeng’ habang kumukilos pa silangan hilagang-silangan hanggang bukas ng hapon bago kumilos pa hilaga.
“During this period, ‘Chedeng’ may become slow-moving. On Saturday, this tropical cyclone will begin accelerating generally north northeastward or northeastward,” ayon sa 5:00 a.m. bulletin ng PAGASA.
Bagama’t hindi inaasahan ang pagtataas ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS), pa-i-igtingin ni ‘Chedeng’ ang southwest monsoon o habagat na magdadala ng bugso ng hangin at ulan lalo na sa mga baybaying dagat at bulubunduking lugar.
Bukas, June 9, inaasahang makakaranas ng mga pag-ulan dulot ng habagat ang Visayas, Romblon, Occidental Mindoro, northern portion ng Palawan kabilang ang Kalayaan, Calamian, at Cuyo Islands, Surigao del Norte, Dinagat Islands at Camiguin.
Inaasahan rin ang mga pag-ulan sa Sabado sa Visayas, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Camiguin, at Dinagat Islands.
“Although the current forecast scenario for this tropical cyclone may result in the enhancement of the Southwest Monsoon, the timing and intensity of monsoon rains over the country (especially in the western portion) may still change due to the dependence of monsoon enhancement on the forecast movement and intensity of CHEDENG as well as its interaction with the other weather systems surrounding it.”
“As such, the public is advised to continue monitoring for updates regarding the possible enhancement of the Southwest Monsoon,” saad pa sa bulletin ng PAGASA.
Weng dela Fuente