‘Chedeng’ isa nang tropical depression – PAGASA
Isa na ngayong tropical depression ang low pressure area (LPA) na namataan sa silangang bahagi ng Eastern Visayas.
Sa advisory ng state weather bureau PAGASA tatawagin ang bagyo na “Chedeng.”
Sa 11:00 a.m. bulletin, sinabi ng PAGASA na namataan si Chedeng sa silangan ng Philippine Sea sa layong 1,170 kilometers sa silangan ng Southeastern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at bugso na 55kph at halos stationary.
Bagama’t inaasahan na magiging tropical storm si Chedeng bukas, Miyerkules, sinabi ng PAGASA na hindi direktang magdudulot ng malakas na ulan sa anumang panig ng bansa ang bagyo na tinayang mananatiling malayo sa kalupaan.
Paiigtingin ni Chedeng ang southwest monsoon o Habagat ngunit malabo naman na mag-issue ng wind signal ang PAGASA.
“This tropical cyclone may reach typhoon category by Thursday and reach its peak intensity during the weekend while over the Philippine Sea east of Northern Luzon,” ayon pa sa advisory ng PAGASA.
Weng dela Fuente