Chemotherapy ni Princess Kate tapos na
Inanunsiyo ni Princess Kate ng Britanya, na nakumpleto na niya ang kaniyang preventive chemotherapy para sa kanser at sinabing ang gamutan ay nagbigay sa kaniya ng isang bagong pananaw.
Aniya, “I am grateful for simply loving and being loved.”
Screen grab from Reuters’ video
Ang 42-anyos na si Kate, na asawa ng tagapagmana sa trono na si Prince William, ay nagkaroon ng major abdominal surgery noong Enero, na naging daan para matuklasan ang presensiya ng kanser at sumailalim na sa gamutan mula noon.
Sa isang personal na mensahe sa isang intimate video niya kasama ng kaniyang asawa at tatlo nilang anak na sina Prince George, 11, Princess Charlotte, 9, at Louis, 6, sinabi ni Kate na magkakaroon siya ng ilang public engagements sa mga huling bahagi ng taong ito.
Screen grab from Reuters’ video
Sa kaniyang mensahe ay sinabi niya, “As the summer comes to an end, I cannot tell you what a relief it is to have finally completed my chemotherapy treatment. The last nine months have been incredibly tough for us as a family. Life as you know it can change in an instant and we have had to find a way to navigate the stormy waters and road unknown.”
Gumugol si Kate ng dalawang linggo sa ospital noong Enero makaraang maoperahan, at dalawang buwan pagkatapos nito ay inanunsiyo niya sa isang video message na lumitaw sa mga pagsusuri ang presensiya ng kanser.
Hindi na nagbigay ng dagdag na detalye ang kaniyang tanggapan sa Kensington Palace tungkol sa uri ng kanser at iba pang impormasyon tungkol sa kaniyang treatment, maliban sa pagsasabing nagsimula ang preventative chemotherapy noong Pebrero.
Una siyang nagpakita sa publiko noong Hunyo ngayong taon sa annual military parade para sa opisyal na kaarawan ni King Charles, pagkatapos ay dumalo siya sa Wimbledon tennis championships.
Screen grab from Reuters’ video
Sinabi ni Kate, “The cancer journey is complex, scary and unpredictable for everyone, especially those closest to you. With humility, it also brings you face to face with your own vulnerabilities in a way you have never considered before, and with that, a new perspective on everything.”
Dagdag pa niya, “This time has above all reminded William and me to reflect and be grateful for the simple yet important things in life, which so many of us often take for granted. Of simply loving and being loved.”
Screen grab from Reuters’ video
Ayon sa isang tagapagsalita ng Buckingham Palace, “King Charles, who has also been undergoing treatment for cancer, and his wife Camilla consider Kate’s announcement on Monday wonderful news.”
Dagdag pa ng tagapagsalita, “We will continue to offer all love, thoughts and support to the princess on her continued path to full recovery.”
Sa video, na kinunan noong isang buwan sa Norfolk, eastern England, ang prinsesa ay mukhang malusog at maayos ang lagay.
Screen grab from Reuters’ video
Makikita rito ang pamilya habang magkakasamang naglalakad sa fields at mga kakahuyan, dala ang isang cricket bat at bola, at ang mag-asawa habang magka-holding hands.
Sa iba pang bahagi ng video, ay makikita naman na itinutulak ni Kate si Louis sa isang swing, at ang paglalaro nila ng isang card game.
Screen grab from Reuters’ video
Sinabi ng Princess of Wales na nagpapasalamat sila ng kaniyang asawang si William sa mga pandaigdigang mensahe ng suporta, at idinagdag na inaasahan niyang makababalik sa mga pampublikong tungkulin kapag kaya na niya, bagama’t ang kanyang programa para sa natitirang bahagi ng taon ay mananatiling magaan.
Ayon sa Prinsesa, na malimit ay tinatawag sa kaniyang maiden name na Kate Middleton, “Doing what I can to stay cancer free is now my focus. Although I have finished chemotherapy, my path to healing and full recovery is long and I must continue to take each day as it comes.”
Aniya, “Despite all that has gone before, I enter this new phase of recovery with a renewed sense of hope and appreciation of life. To all those who are continuing their own cancer journey, I remain with you, side by side, hand in hand. Out of darkness, can come light, so let that light shine bright.”