Chief Justice Gesmundo hinimok ang legal community na ibalik ang tiwala ng publiko sa mga abogado at justice system
Aminado si Chief Justice Alexander Gesmundo sa mga iskandalo at kontrobersiya na kinasasangkutan ng ilang miyembro ng legal community.
Sa kaniyang talumpati sa second leg ng Ethics Caravan para sa panukalang
Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA) sa
University of Mindanao, sinabi ni Gesmundo na hindi na bago sa legal profession ang mga alegasyon ng kontrobersiya.
May ibang abogado aniya na nagsisinungaling, nandaraya o nagnanakaw para sa kanilang kliyente o pansariling interes.
Kaugnay nito, nanawagan si Gesmundo sa mga abogado na ibigay ang dignidad at karangalan sa legal profession.
Ito ay upang maibalik din aniya ang tiwala ng mga tao sa mga abogado at sa buong sistema ng hustisya.
Ipinunto ng punong mahistrado na ang mga abogado bilang officers of court ay mahalaga ang papel sa administrasyon ng katarungan at sa paggiit sa rule of law.
Inilahad din ni Gesmundo ang panukalang CPRA na layon na ma-modernisa at mapagbuti ang practice ng abogasiya.
Nakapaloob aniya sa panukala ang paggamit ng social media, pagbuo at depenisyon ng lawyer-client relationship, pagsasagawa ng
non-legal staff at iba pa.
Ang CPRA din aniya ay may hiwalay na regulasyon para sa pagdisiplina sa mga abogado.
Moira Encina