Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno, nanindigang isinumite ang lahat ng kanyang SALN
Nanindigan si Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno na nagsumite ito ng lahat ng kanyang SALN sa loob ng kanyang 20 taon bilang UP Law professor.
Sa mahigit isangdaang pahinang memorandum na inihain sa Korte Suprema, sinabi ni Sereno na nakapagprisinta siya ng substantial evidence na makapagpapatunay na nagsumite siya ng lahat niyang UP SALN.
Ayon sa abogado ni Sereno na si Alexander Poblador na narekober ng punong mahistrado ang labing-isa sa SALN nito at mayroong direktang patotoo na na naghain ito ng 12 saln nito para sa mga taong 1985, 1989, 1990, 1991, 1993, 1994, 1995, 1996, 1997, 1998, 1999 at 2002
Pero inamin ni Sereno na mayroong apat na SALN siyang nawawala at ito ay para sa mga taong 1992, 2000, 2003 at 2006.
Gayunman igniit ni Sereno na dapat mabasura pa rin ang quo warranto petition dahil ang kabiguan na makapaghain ng kanyang SALN o maisumite ito sa Judicial and Bar Council ay wala namang kaugnayan sa kanyang integridad.
Ulat ni Moira Encina