Chief Justice Teresita de Castro inaprubahan ang umento sa sahod ng mga first-level Judges sa buong bansa
Ipinagutos na ni Chief Justice Teresita Leonardo de Castro ang pagpapatupad ng umento sa sahod ng mga first- level Judges sa buong bansa.
Ang mga first level Judges ay mga hukom ng mga Municipal Trial Court, Municipal Circuit Trial Court, Municipal Trial Courts at Shari’a circuit courts.
Mula sa salary grade 26 at 27 ay inakyat ito sa salary grade 28 na ibig sabihin mula sa 102 thousand hanggang 114 thousand pesos ay aabot na ngayon sa 127 thousand pesos ang sahod ng mga hukom.
Ang pagtataas sa sweldo ng mga first- level Judges ay inirekomenda ni Court Administrator Jose Midas Marquez.
Ang pondo para sa dagdag sweldo ng mga hukom ay kukunin mula sa savings ng mga lower courts sa buong bansa habang hinihintay ang Notice of Organization, Staffing and Compensation Action at pag-isyu ng DBM ng kaukulang budget sa salary increase.
Epektibo noong Hulyo 1 ngayong taon ang salary increase ng mga hukom.