Child laborer sa bansa bumaba na nitong 2022
Mas pinaigting pa ng Department of Labor and Employment ang kanilang kampanya laban sa child labor.
Ang Child labor ay anumang trabaho o economic activity na ginagawa ng isang batang below 15 years old na nakakasama sa kanyang kalusugan physical, mental, o nakakahadlang sa kanyang Psychosocial development.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority, nitong 2022 ay may 1.4 milyong bata sa bansa ang nagtatrabaho pero ang 56 percent o 828,000 sa kanila nasa kategorya ng child labor.
Pero mas mababa naman ito kung ikukumpara nono 2021 kung saan sa 1.3 milyong bata na nagtatrabaho, 935,000 ang child laborer.
Ayon sa DOLE, dito sa Pilipinas ang minimum employable age ay kinse anyos basta kapat matiyak na hindi sila masasangkot sa kategorya ng child labor.
Ang sektor ng agrikultura ang inrullat na nangungunang may pinakamaraming bilang ng child laborer habang sa SOCKSARGEN naitala ang pinakamataas na insidente ng child labor.
Ayon sa DOLE, patuloy ang kanilang pag-iikot sa ibat ibang lugar sa bansa para sa profiling ng mga child laborer at matulungan silang makaalis rito.
Tinitingnan rin nila ang mga tulong na pwedeng ibigay sa pamilya nito gaya ng pagsama sa kanila sa ibat ibang Kabuhayan Program oa maibilang sila sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development.
Ang mga bata ay binibigyan rin ng tulong pang-edukasyon, medikal, legal, counseling, pag-rehistro sa kanilang kapanganakan, at pagbibigay ng gamit pang-eskwela at iba pa.
Patuloy rin umano ang inspeksyon ng DOLE sa mga establisyimento na may mga batang nagtatrabaho para masigurong hindi naabuso ang mga ito.
Madelyn Moratillo