Chile, nakaalerto matapos dumagundong at magbuga ng apoy ang isang aktibong bulkan
Niyanig ng mga paglindol at nagbuga ng apoy ang Villarica volcano ng Chile, sanhi upang umalerto ang mga awtoridad para sa posibleng pagputok nito.
Simula noong Oktubre, ay nagkaroon ng gas explosions at seismic events sa 2,847-metrong (9,300-talampakan) taas na bulkan, na ang ibinubugang apoy mula sa lava lake nito ay umabot ng hanggang 220 metro ang taas.
Sinabi ni Alvaro Amigo, pinuno ng National Volcanic Surveillance Network, “While we cannot predict when the volcano will erupt, the conditions are in place, according to daily assessments of activity at the site.”
Ang bulkan ay nakaharap sa siyudad ng Pucon, na may populasyon ng halos 28,000 katao, na naninirahan 15 kilometro (10 milya) lamang ang layo mula sa tuktok.
Ang lawa at mayabong na kagubatan ng rehiyon ay isang sikat na puntahan ng mga turista, at ayon sa official figures nasa 10,000 mga bisita ang umamakyat sa Villarica tuwing summer.
Sinabi ng geophysicist na si Cristian Farias, “The thing about Villarrica is the risk, because many people are living in areas that are highly exposed to potential damage from the volcano. The residents had forgotten the hazards of what Villarrica can do.”
Ayon pa kay Amigo, “The volcano was dangerous because its eruptions often cause perilous volcanic rock and mud flows and because it has a large population and infrastructure around it.”
Inihambing ng mga eksperto ang kasalukuyang antas ng aktibidad sa nakita bago ang nakaraang pagsabog noong 2015, nang ang pagbuga ng lava, gas at abo ay tumaas ng 1.5 kilometro sa hangin, na hindi nagdulot ng pinsala bago muling tumahimik ang bulkan.
Ang huling major eruption ng Villarrica ay noong 1984.
Ang National Geology and Mining Service ay naglabas ng isang yellow alert noong Nobyembre sa apat na bayan na malapit sa tuktok, ibig sabihin ay walang papayagang pumasok sa loob ng 500 meters ng crater. Naglatag din sila ng emergency evacuation plans at real-time monitoring sa aktibidad ng bulkan.
Ang yellow alert ay hakbang bago ang orange alert, na nagpapahiwatig ng nalalapit na pagsabog.
Ayon kay Mining Minister Marcela Hernando, ang ideya ay para tiyakin sa mga mamamayan na tuloy-tuloy na binabantayan ng teknolohiya at mga eksperto ang 45 “most important volcanoes” ng Chile.
© Agence France-Presse