China nangako kay Pang. Duterte na hindi magtatayo ng imprastraktura sa Panatag Shoal

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na hindi magtatayo ng imprastraktura ang China sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc .

Ayon sa Pangulo isa iyon sa mga napag-usapan nila ng gobyerno ng China.

Ayaw ng Pangulo na ipadala doon ang mga barko ng Philippine Navy kahit na nandoon pa ang mga barko ng Amerika dahil  ayaw nitong magkaroon ng alitan ang Pilipinas at Tsina dahil kapag nagkagera kawawa ang maraming Pilipino

Matatandaan na noong 2012 ay nagkaroon ng stand off ang barko ng Philippine Navy at Chinese Coast Guard sa Scarborough Shoal matapos tangkain hulihin ng crew ng BRP Gregorio del Pilar ang mga tsinong mangingisda na nanghuhuli ng mga taklobo at iba pang uri ng yamang dagat.

Dahil dito nagkaroon ng lamat ang relasyon ng Tsina at Pilipinas at nang maupo na sa pwesto si Pangulong Duterte ay naibalik ang magandang relasyon ng China at Pilipinas at nag- invest pa ng negosyo ang mga Tsino sa bansa.

Ulat ni : Paolo Macahilas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *