China, positibong matutuloy ang Winter Olympics sa kabila ng ‘mga hamon’ ng Omicron variant ng Covid-19
Tiwala ang China na matutuloy, magiging maayos at matagumpay ang Winter Olympics sa Pebrero ng susunod na taon, sa kabila ng dumaraming mga hamon na dulot ng bagong Omicron coronavirus variant.
Ayon sa Foreign Ministry ng China, malawakang nakontrol ng bansa ang sitwasyon nito sa Covid-19 sa pamamagitan ng pagpapatupad ng snap lockdowns at agad na paglulunsad ng pagbabakuna, kung saan mula December 2019 ang kabuuang kaso nito ay nasa 98,672 lamang kabilang na ang 4,636 namatay.
Habang pinaghahandaan ng Beijing ang 2022 Winter Olympics na gaganapin mula Feb. 4 – Feb. 20, naghahanda naman ang mundo para sa isang bagong wave ng pandemya, matapos lumitaw ang Omicron strain, na ayon sa World Health Organization ay nagtataglay ng “very high risk” ng impeksiyon.
Ayon kay Zhao Lijian, tagapagsalita para sa Foreign Ministry ng China . . . “Omicron will bring challenges to the Covid-19 prevention work at the Beijing 2022 Winter Olympics. But China has experience in dealing with the coronavirus … [and] is confident that the event will proceed smoothly and successfully.”
Sinabi naman ni Xu Wenbo, isang opisyal ng Center for Disease Control and Prevention ng China, na ang umiiral na Covid-19 response strategy ay magiging sapat na sa pagharap sa bagong omicron variant.
Aniya . . . “China will continue to conduct detailed survey on epidemiological studies and gene testing. Our vaccines remain effective against the new mutated variant omicron, but to better cope with this new variant, China has made technological reserve preparations in vaccine development.”
Lumitaw sa datos mula sa National Health Commission, na higit 1.1 bilyong katao sa China ang ganap nang bakunado laban sa Covid-19, at sa ngayon ay higit 2.49 billion doses na ang naibakuna.