China, tinawag na arogante at trespassers ng mga Senador
Tinawag ng mga Senador na arogante at trespassers ang China na humihirit na palayasin ang BRP Sierra madre sa ayungin shoal.
Ayon kay Senador Grace Poe , walang karapatan ang China na diktahan ang pilipinas.
Paalala ng Senador ang ayungin shoal ay sakop ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas batay sa 2016 arbitral ruling ng permanent court of arbitration .
Giit naman ni Senate president Vicente Sotto III , kailangang ipaglaban ang teritoryo ng bansa.
Kinontra naman ni Senate defense committee Chair Ping Lacson ,ang pahayag ni Chinese foreign ministry spokesman Zhao Lijian’s na may kasunduan na para sa pag-aalis ng BRP SIERRA MADRE.
Hindi aniya kailanman pumasok ang Pilipinas sa anumang kasunduan para alisin ang BRP Sierra Madre.
Hinimok ni Lacson na dagdagan pa ang pwersa ng Pilipinas doon .
Naghain na rin ito ng amyenda 2022 national budget para maglaan ng 48.7 million para sa pagtatayo ng outposts sa Kalayaan Group of Islands at P20 million para sa marine research.
Si Sotto , umapila naman sa Malacañang na sertipikahang urgent ang panukalang pagbuo ng maritime zone map ng Pilipinas.
Sa Senate bill no. 2289 na inihain ni Sotto , lilikha ng mapa ng Pilipinas para sa maritime areas tulad ng nine dash line ng China.
Meanne Corvera